literature

Tanikala

Deviation Actions

doodlemind's avatar
By
Published:
378 Views

Literature Text

Hindi mo maaaring makamtan ang lahat.

Napakadalas nating makalimutan ang bagay na ito. Tila ba iniisip nating kapag hindi natin pinansin ang katotohanan ay hindi na ito ang katotohanan… Na kaya nating gumawa ng sarili nating katotohanan.

Napakadalas nating magkamali.

Ang katotohanan ay katotohanan, gaano man natin subukang ikubli ito. At ang kahapon ay mananatiling isang kahapon na lamang na babalik-balikan ng ating muni, at kailanma’y hindi na mababago pa.

Habambuhay na tayong bilanggo ng nakaraan hanggang sa matutuhan nating kumawala nang kusa sa mga tanikala nito…

Habang tayo’y yakap ng mga multo ng nakaraan ay hindi pa tayo tuluyang malaya. Habang tayo’y alipin ng lungkot at dusa ay hindi tayo tuluyang magiging maligaya.

Lahat ay iyong gagawin at susubukan… Ang magpagamit sa iba… Ang maging alagad ng kabutihan… Ang maging alipin ng kasamaan… Ang lasunin ang iyong sariling isipan…

Halos hindi mo na maaaninag ang iyong tunay na sarili...

Para lamang makalimot. Para lamang makalaya sa piitang ikaw mismo ang lumikha

Kahit gaano ka pang kalakas ay hindi ka makalalaya kung hindi mo pipiliing maging malaya… Kung hindi mo pipiliing limutin ang nakaraan at harapin ang ngayon.

At habang ika’y binubulag ng iyong mga luha ay hindi mo makikita ang katotohanan…

Kalayaan?

Hangga’t mayroon kang damdamin… Hangga’t ikaw ay nasasaktan, umiibig, lumuluha…

Kamatayan lamang ang makapagpapalaya sa pagkakagapos sa iyo ng mundo…
This is written for :icongioparedes:

Pardon the seemingly nosebleed-inducing Filipino wording. :XD:

Who's the next BK? I'm kinda stoked!

Sulat pa ko ng iba! Hihihihihih. :giggle:
Comments7
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
stephfaith's avatar
waaaa dumudugo tlga ilong ko pag nag babasa ng sulat mo :lmao: hahaha joke. ang lalim kasi :P, hnd pla ilong, utak pla :lmao:....
:clap: galing ni ate edz! :worship: