ShopDreamUp AI ArtDreamUp
literature
Talim - Ang Walang Habas
Deviation Actions
Literature Text
Kahit kailan ay wala pa akong kinatakutan…
Liban lamang sa iisang bagay na palagi kong ipinagdarasal na sana’y huwag mangyari.
“Kuya!”
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay kakampi natin ang tadhana.
At sa gitna ng ingay ng mundo, nangibabaw ang basag mong tinig.
Sarah…
“Kuya!”
Hinding hindi ko kailanman makalilimutan kung paano mo akong tinawag…
“Kuya!”
Bawat luhang dumalisdis sa iyong mga pisngi ay para bang mga patalim na unti-unti gumuguhit at sumusugat sa aking buong katawan.
“Kuya!”
Tila ba muli kong nakikita kung paano kang nilapastangan ng mga lalaking iyon…
Ang tanging bagay na kinatatakutan ko ay tuluyan nang nangyari.
Walang kalaban-laban… Luhaan… Sugatan… Halos tupukin ng magkahalong galit at dusa ang buo kong pagkatao.
Humahalakhak pa sila habang halinhinan kang inaabuso at sinasaktan.
Kung makikita ko lamang muli ang mga tampalasan… Hindi na nila gugustuhing mabuhay pa, Sarah.
Wala nang dahilan upang muli akong matakot.
Ang iyong mga sigaw na patuloy kong naririnig ang magpapaalala sa akin…
Wala na akong kinatatakutan pa…
Sarah… Sarah…
“Kuya!”
Patawad…

Comments17
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
bat walang ganito si lito?!?!?