literature

Sa Likod ng Piring

Deviation Actions

doodlemind's avatar
By
Published:
351 Views

Literature Text

27 Pebrero
Maynila



Juan,

Oo, Juan. Huwag ka nang umangal. Naka barong ka pa man din ay John ang pangalan mo!

Bilang sagot sa iyong liham noong nakaraang buwan (oo, nabasa ko ang iyong liham, at oo, ako ang sumulat ng isang ito. Huwag mo nang isipin kung paano ko ito nagawa dahil hindi mo rin naman malalaman, at lalong hindi ko sasabihin sa iyo) –

Ikaw lamang ang makatatanto kung ano ang dapat na gawin sa mga sitwasyong tila ba wala ka nang mapagpipilian. Hindi ko kayang ituro sa iyo kung paano ang mag desisyon. Lagi mo lamang tatandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat mong gawin ang mga bagay na inaasahan ng iba sa iyo.

Mayroon ka ring karapatang pumili… Isa kang bayani, totoy. Ngunit sa kabila ng lahat ay isa ka pa ring tao.

At kung sa tingin mo ay iisang buhay lamang ang iyong nailigtas mula sa sunog sa Tondo? Para namang wala akong naibahagi sa iyo, totoy!

Hindi lamang ang buhay ng babaeng iyon ang iyong nailigtas, kundi pati na rin ang buhay ng batang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan, at ang mga susunod pa nilang mga henerasyon.

Minsan ay tingnan mo ang mundo nang wala ang iyong piring, totoy...



Apog
Written for :iconrhiver:

Sino kaya next BK na magawan...? Hmmmmm.
Comments8
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
gioparedes's avatar
Nag tataka ako noong una bakit "totoy" ng "totoy" yung nag sasalita... si Apog pala sya..

Minsan nadulas ako sa usapan namin ni Rhiver.."Uban" ang natawag ko kay Apog. :-)